| FAQ |
|
|
|
|
| Ano ang BiteFight? |
Ang Bitefight ay isang libreng browser na laro kung saan ikaw ay nakikipagsagupaan laban sa libo-libong manlalaro. Ang natatanging kailangan sa paglalaro ng Bitefight ay isang regular na browser (halimawa: Internet Explorer o Firefox), ang pag download o pag-install ay di kinakailangan. Sa oras na ikaw ay nag log in sa unang pagkakataon, maaari kang mamili kung ang iyong gagampanan ay isang bampira o werewolf para sa labanan.
Kapag ikaw ay magreregister, pakilagay ang isang balidong e-mail address sapagkat ikaw ay papadalhan agad ng e-mail kasama ang link para ma-activate ang iyong accont. I-click ang link na ito o kopyahin ito sa iyong browser sa loob ng 3 araw para ma-validate ang iyong BiteFight account. |
| Sarado |
|
| Kabuuan |
Ipinapakita ng kabuuan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong karakter, iyong posisyon sa hayskor, iyong suplay ng batong impyerno at batong ginto, iyong istatistiks at iyong mga kagamitan.
Maaari mo ring sanayin ang iyong mga kakayanan dito: |
| Sarado |
|
| Kakayahan |
Ipinapakita ng table ang iyong kasalukuyang antas. Ang antas ay base sa iyong karanasan. Ang pagtaas nito ay base sa pagtamo ng mas maraming karanasan (hal. sa mga paglalaban).
Sa Lakas makikita ang digri ng lakas na maaari mong magamit sa mga paglalaban. Mas mataas na halaga ng lakas, mas malakas ang pagkakataong magkamit ng puntos ng pagtama sa iyong kalaban.
Ang Depensa ay ang abilidad mong maipagtanggol ang iyong sarili at maiwasan ang mga pag-atake ng kalaban.
Sa Kahusayan makikita ang iyong abilidad upang masaktan ang iyong kalaban sa mga paglalaban. Mas mataas ang halaga nito, mas malaki ang tsansang hindi ka magmintis sa iyong kalaban.
Ang antas ng Tibay ay nakakaapekto sa pagbalik ng iyong puntos ng kalusugan at nakakatulong sa paglimita ng pinsala na maaari mong makuha. Mas mataas ang antas nito, mas mabilis ang iyong paggaling. Ang rata ng paggaling bawat oras ay base sa puntos ng Tibay na pinarami ng 1.5 beses.
Makikita sa digri ng Karisma ang iyong abilidad upang makahanap ng kalaban sa paghahanap ng lahi. Mas mataas ang iyong karisma, mas mataas ang tsansang mahanap mo ang iyong mga kalaban, kahit na magaling at upgreyded ang kanilang mga taguan. Sa mga paglalaban, nakakatulong ang Karisma sa pagtamo ng mga dobleng pagtama. Kapag naghahanap ka ng mga tao, ang mas mataas na antas ng karisma ay nakakatulong upang makahanap ka ng mas maraming booty.
Nakakaapekto ang karanasan na iyong natatamo sa iyong antas. Makikita sa kabuuan kung gaano karami ang puntos ng iyong karanasan ang kinakailangan mo upang umangat sa susunod na antas.
May iba`t ibang paraan upang magtamo ng puntos ng karanasan:
paghahanap ng tao, pagtatrabaho sa sementeryo, misyon o paghahanap ng demonyo.
Ang puntos ng karanasan na kinakailangan mo para makapunta sa susunod na antas ay base sa prinsipyong: 10*antas-5.
Makikita sa kalusugan kung gaano kalusog ang iyong karakter sa kasalukuyan. Huwag kang mag-alala, hindi mamamatay ang iyong karakter kundi bababa lang ang puntos ng kalusugan mo. Hindi ka maaaring mangaso kung ang puntos ng kalusugan mo ay di hihigit sa 25. Sa pagbagsak ng puntos ng kalusugan, ito`y madaragdagan sa paglipas ng oras. Sa bawat pagtaas ng lebel, ang puntos ng kalusugan ay taas din.
Maaari mong mapaghusay ang limang pangunahing kakayahan (lakas, depensa, kahusayan, tibay at karisma) sa pamamagitan ng pagsasanay. Kung nais mong magsanay ng iyong mga kakayahan, kinakailangan mong magbayad ng ginto na dapat mong manakaw. Mas mataas ang antas ng pagsasanay, higit na mas malaking ginto ang kinakailangan. |
| Sarado |
|
| Estadistika |
| Ang table na ito ay nagtatala ng mga mahahalagang statistiks sa iyong karakter: mga laban, mga gintong nakuha at ang buong halaga ng iyong mga nalikom na yaman. Ang kumpletong halaga ng iyong yaman ang nagpapakita ng iyong reputasyon sa laro. Mas mataas na yaman na iyong na likom, mataas din ang reputasyon na iyong makukuha sa laro. Kung ikaw ay bumisita sa isang forger upang palitan ang iyong pangalan, ang iyong reputasyon ay maaaring bumaba. Ang kabuuan ng halaga ng iyong yaman ay nakakaapekto din ng lakas ng mga demonyong iyong nakakalaban sa groto. |
| Sarado |
|
| Bite link |
Maaari kang mang-engganyo ng ibang tao sa larong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng link para sa pangagaso. Lahat ng mag-click sa link na ito ay iyong makakagat at ikaw ay makakakuha ng ilang ginto at mga kagamitan dito. Kapag mayroong nag-click sa iyong link at nag register at sinaad ang iyong pangalan, sila ay iyong "nilikha".
Maaari mong ilagay ang iyong link sa iyong homepage, lagda sa forum o ipadala sa mga kaibigan. Huwag gamitin ang iyong link para mag spam sa mga forums. Ang mga manlalaro na mahuling gumagawa nito ay mabubura sa laro ng walang paalam. Kapag mayroong mag-click ng iyong link, siya ay iyong makakagat at ikaw ay makakakuha ng yaman at ginto. |
| Sarado |
|
| Imbentaryo |
Sa talaan ng iyong imbentaryo makikita ang mga pag-aari mong kagamitan. Kung gusto mong gamitin ang mga ito sa isang laban (halimbawa: mga sandata), kailangan mong i-activate ito bago pa man sumali sa laban.
Ang bilang ng kagamitan na maaari mong maitago sa iyong imbentaryo ay depende sa upgreyd ng antas ng iyong bahay sa iyong taguan. Sa umpisa, maaari kang magtaglay ng tatlong kagamitan at dalawang karagdagang kagamitan sa bawat upgreyd. Ang pinakamaraming bilang ng kagamitan na maaari mong angkinin ay 25 na kagamitan. |
| Sarado |
|
| Ang taguan |
Ang iyong taguan ang nagsasanggalang sa iyo laban sa mga pagsalakay ng mga kaaway. Mas mataas ang upgreyd ng iyong taguan, mas mabisa ang proteksyon nito para sa iyo. Hindi ka maaaring mag-upgreyd ng dingding, daanan o ang kapaligiran mo sa mas mataas na antas kaysa sa iyong bahay.
Maari ka ding bumili ng ibang mga kapakipakinabang na upgreyd sa iyong taguan sa pamamagitan ng iyong mga batong impyerno.
Baol ng kayamanan:
Maaari kang mag-imbak at magtago dito ng bahagi ng iyong ginto na nakuha sa mga kaaway. Ang isang buong araw na sweldo mo ay protektado dito at hindi maaaring manakaw ng iba.
Tagapagbantay na Gargoyle:
Ang gargoyle ang nagsasanggalang sa iyo at tumutulong labanan ang iyong mga kaaway. Ang iyong depensa ay 30% na mas epektibo kumpara sa karaniwan.
Depensa + 30%
Ang libro ng Sinumpa. Sinulat ng mga nakakatanda ang kanilang kaalaman sa mga sinaunang labanan sa librong ito. Ang iyong pwersa ay 30% na mas mataas kung mayroon ka ng librong ito na nagpapalakas ng iyong kapangyarihan.
Pwersa + 30% |
| Sarado |
|
| Ang angkan |
Ang angkan ay isang grupo ng iba`t ibang manlalaro ng iisang lahi. Ang layunin nito ay maging pinakamalakas na angkan at sama-samang makipaglaban papunta sa tuktok. Ang mga kasapi ng angkan ay nagtutulungan at nakikipag laban nang magkakasama sa mga kaaway.
Nasa sa iyo kung ikaw ay makikisapi sa namamalaging angkan o maaari ka ding magsimula ng bagong angkan, o makipagsapalaran sa laro ng nag-iisa (hindi obligasyon ang magkakaron ng angkan). |
| Sarado |
|
| Gusali at mga kasapi ng angkan |
| Ang hangganan ng bilang ng mga kasapi ng isang angkan ay naksalalay sa antas ng gusali ng angkan. Sa bawat upgreyd ng gusali ng angkan, 3 bagong kasapi ang maaring sumali sa angkan. Ang pinakamataas na antas para sa upgreyd ay 16. Ang pag-upgreyd ng gusali ng angkan ay nagkakahalaga ng ilang ginto. Samakatuwid, ang mga kasapi ng angkan ay dapat maghulog ng ginto bilang donasyon sa account ng angkan. Ang mga nilalaman ng account ay maaari lamang gamitin para sa pag-upgreyd ng gusali ng angkan at para sa mga ritwal nito. Ang tagapagtatag at mga tagapangasiwa ay may mga pamamaraan upang pangasiwaan ang mga kasapi ng angkan ayon sa kanilang nais. |
| Sarado |
|
| Mga Laban ng angkan |
Ang isang angkan ay maaaring magpahayag ng digmaan laban sa ibang angkan kung magkapareho ang antas ng kanilang gusali ng angkan.
Kapag nagpahayag ng digmaan ang angkan ng magkaparehong lahi, ang kalaban na angkan ay nararapat na magbigay ng pahintulot sa digmaan na ito. Ang mga digmaan sa pagitan ng magkaibang lahi ay maaaring mag-umpisa kaagad.
Matapos mapahintulutan ang pamamahayag ng digmaan, ang digmaan ay mag-uumpisa 8 oras matapos ang pahintulot.
Sa oras ng paghahanda, ang mga kasapi ng bawat angkan ay maaaring kumuha ng kanilang bahagi sa digmaan. Kapag may bumitaw sa pamamahayag ng digmaan isang oras o kumulang bago mag-umpisa ang digmaan, mawawalan ang master nito ng 5% ng kabuuang halaga ng nadambong.
Isang oras bago mag umpisa ang digmaan, lahat ng kasapi ng angkan na magiging bahagi digmaan ay magtitipon-tipon. Sa panahong ito, hindi maaaring gumawa ng ibang gawain ang mga kasapi.
Ang mga angkan na nilusob ay maaaring iurong ang oras bago mag umpisa ang digmaan hanggang isang oras. Ang mga pinuno ng angkan ay maaaring ipuwesto ang kasapi na sumang-ayon na makikibahagi sa digmaan sa nararapat na ayos ng digmaan (war formation). Ang pagpili ng ayos ng digmaan ay maaaring maging sukatan ng kahahantungan ng digmaan.
Mayroong hangganan na 28 rounds sa isang paglalaban. Kung ang parehong master ay nakaligtas, ang angkan na nakapagkamit ng pinakamaraming puntos ang panalo.
Ang bawat kasapi ng nagwaging angkan ay magkakaroon ng kanilang bahagi sa ginto. Ang bahagi ng gintong ito ay galing sa kabuuang halaga ng ginto ng mga mandirigma na kanilang nalikom sa isang oras ng trabaho sa sementeryo at sa bilang ng mga natitirang buhay sa nagwaging angkan.
Ang talunan na angkan ay hindi makakakuha ng kanilang bahagi dito.
Ang bawat mandirigma ay nakakakuha ng EP depende sa kanilang mga paglalaban na ginampanan. |
| Sarado |
|
| Mga Ritwal ng Angkan |
| Ang mga ritwal ng angkan ay may epekto sa lahat ng mga miyembro nito at maaaring mapagtibay ang kakayahan nito halimbawa. Ang mga kasapi ng angkan ay maaaring magpadala ng ebokador para isagawa ang nais na ritwal. Ang halaga ng ebokasyon ay binabayaran galing sa account ng angkan. Ang isang ebokasyon ay nagtatagal ng 10 minuto. Sa pagtatapost ng ebokasyon, ang mga kondisyon ng ritwal ay dapat makumpleto. Maaari lamang ipatawag ng mga kasapi ng angkan ang ebokador bawat dalawang oras. |
| Sarado |
|
| Mangangalakal |
Dito sa mangangalakal ka maaring bumili ng mga kapaki-pakinabang na kagamitan.
Ang mga sandata at baluti (armor) ay nakakapag pataas ng iyong pwersa (force) at ang iba mo pang mga kakayahan.
Mas malawak ang iyong pagpipilian ng mga kagamitan kapag mas mataas ang iyong antas. Sa iyong imbentaryo sa ilalim ng "Kabuuan", maari ka lamang mag-activate ng isang sandata (o helmet, kalasag, at iba pa), ngunit maaari kang magsuot ng iba`t ibang uri ng sandata - na nasa parehong uri - sa iyo. Kapag in-activate mo ang bagong sandata, ang sandata na kasalukuyang naka-activate ay mawawalan ng bisa.
Ang bilang ng mga kagamitan na maaari mong dalhin ay depende sa antas ng iyong taguan.
Ang bato ng pagbabagong-anyo (metamorphoses stone) ay ang natatanging paraan para mapalitan ang iyong lahi. Ikaw ay agad-agarang magpapalit ng anyo bilang isang werewolf o bampira at ikaw ay masisipa sa iyong angkan. Kung ikaw ang tagapagtatag ng iyong angkan, ito ay mabubuwag. |
| Sarado |
|
| Libingan |
Maari kang maghanap ng trabaho at makalikom ng ginto dito. Ikaw ang makakapagtalaga ng iyong bilang ng oras sa pagtatrabaho. Maari kang magtrabaho sa hangganang 8 oras sa paghalili. Ikaw ay babayaran ayon sa iyong antas at makukuha mo ang iyong kabayaran oras na matapos ang iyong trabaho. Kapag ikaw ay bumitiw nang maaga sa iyong trabaho, hindi ka mababayaran.
Mungkahi: Maari ka pa ring lusubin ng mga kaaway habang ikaw ay nagtatrabaho sa sementeryo. Ang iyong oras ng pagtatrabaho ay patuloy na umaandar kahit na ikaw ay nagdiskonek na sa internet o kapag pinatay mo na ang iyong kompyuter (hindi mo kailangang manatiling naka- log on). |
| Sarado |
|
| Taberna |
Sa taberna, maaari kang tumanggap ng mga misyon at kumuha ng mga impormasyon tungkol sa mga tinanggap na misyon. Maaari kang mamili ng digri ng kahirapan: Madali, Katamtaman at Mahirap.
Kapag mas mahirap ang napiilng misyon, mas matagal mo ito kinakailangang harapin. Mas malaki ang gantimpla sa pagtatagumpay kapag mas mataas ang digri ng kahirapan ng misyong iyong napili. Ngunit, mas mahabang oras ang kailangan mong hintayin para makatanggap ng bagong misyon. |
| Sarado |
|
| Grotto |
Ang grotto ay ang lugar kung saan namamayagpag ang mga demonyo. Dito ka maaaring tumugis ng mga demonyo sa sariling kagustuhan. Ang paghahanap ng demonyo ay kadalasang bahagi sa isang itinalagang misyon. Ang mga demonyong maaari mong makaharap dito ay mapanganib at maaaring mas mataas ang mga antas nito sa iyo. Bilang kapalit, mas marami kang maaaring makuhang mga kalakal at karanasan sa pagtugis ng demonyo kaysa sa pagtugis ng tao. Subalit, maaari kang mawalan ng puntos sa kalusugan (health points). Ang isang bentahe ng paghahanap ng demonyo ay mayroon kang parating makakasagupang kaaway dito.
Mungkahi: Ang oras na iyong ginugol sa paghahanap ng demonyo ay ibabawas sa iyong kabuuang oras ng pangangaso (pati sa paghahanap ng tao). |
| Sarado |
|
| Pamilihan |
Ang pamilihan ay isang perpektong lugar para sa mga kapaki-pakinabang na negosyo. Kahit sino ay maaaring magbenta ng kanilang mga kalakal dito. Maaari kang mag-alok ng iyong mga binebentang mga kalakal dito sa ibang manlalaro at maaari ka ring bumili ng mga binebenta ng ibang manlalaro. Nasa sa iyo ang pagpapasya ng mga presyo o halaga ng iyong mga paninda. Subalit, kinakailangan mong magbayad upang pahintulutan ang pagbebenta mo dito.
Mungkahi: Maaari ka ring bumili ng mga kalakal dito na mas mataas sa iyong atas. Ngunit, maaari mo lang itong gamitin o ibenta sa mangangalakal kapag nakamit mo na ang kinakailangang antas para dito.
Matapos kang bumili ng kagamitan sa pamilihan, ito ay nakatali na sa iyong kaluluwa.
Hindi mo ito maaaring ibenta sa pamilihan, maaari mo lamang ito ibenta sa mangangalakal. |
| Sarado |
|
| Silid Aklatan |
| Kung hindi mo gusto ang iyong pangalan, maaari mo itong palitan sa Silid Aklatan. |
| Sarado |
|
| VooDoo Shop |
Sa mahiwagang lugar na ito ay maaari kang bumili ng Batong Impyerno. Ang mga Batong Impyerno ay mahihiwagang kristal na nagtataglay ng napakalaking halaga ng enerhiya. Sa pamamagitan nito, maaari kang makabili ng mga lubos na makapangyarihang kagamitan.
Sa Voodoo Shop, maaari ka maging isang Shadow-Lord. Bilang isang Shadow-Lord, marami kang matatamasang pribelehiyong nakakapagpagana ng lubos sa larong ito : apat na oras ng pangangaso, mas maikling labanan sa pag-blockade (5 minuto lamang), mas pinahusay na menu para sa mga mensahe, indibidwal na imahe ng karakter, at iba pa. |
| Sarado |
|
| Ang Simbahan |
| Maaari kang magpahilom sa simbahan kapalit ng ginto. 10% ng pagpapahilom ay katumbas ng 10% ng iyong sweldo sa araw na ito. Ang pinakamataas na puwede mong ipagamot ay 75% ng iyong buhay, ngunit kung mas mataas ang iyong buhay sa 75%, hindi ka maaring magpahilom. Pagkatapos ng pagpapahilom, kailangan mong mag-antay ng 1 oras bago ka ulit makapagpahilom. Sa loob ng 1 oras na iyon (cooldown time), hindi ka makakagamit ng anumang healing potion, maliban nalamang sa 100% healing potion. |
| Sarado |
|
| Ang Bahay ng Sakit |
| Kapag ipinasok mo ang iyong pangalan sa Aklat ng Anino, maaari kang lumabat sa kanino mang manlalaro na nakarehistro sa aklat - anuman ang kanyang race at antas. Hindi mo maaaring palitan ang iyong kalaban sa huling minuto kapag naghanap ka random ng iyong kalaban, dahil mag-uumpisa na agad ang laban. Maari ka lamang mag-deregister sa aklat matapos ang 24 na oras. |
| Sarado |
|
| Pangangaso |
Dito sa BiteFight, ang pangangaso ay isa sa mga pinakamahalagang paraan upang makalikom ng ginto, karanasan at kasikatan.
Ikaw ay binibigyan ng pagpipilian kung paano at kung ano ang gusto mong hantingin. |
| Sarado |
|
| Pangangaso ng lahi |
Sa pangangaso ng lahi, kailangan mong tambangan at talunin ang mga kaaway sa kabilang lahi. Maari kang makahanap ng kalaban kahit sinong kalaban kapag pinili mo ang "pangkaraniwan" o "mas malakas at kasing-lakas".
Maaari ka ring mamili ng iyong makakalaban sa pamamagitan ng paglagay ng pangalan ng nais mong makalban sa search field. Ang mga potensyal na pangalan ng makakalaban ay maaari mong makita sa "Hayskor". Makikita mo dito ang mga antas ng mga kalaban.
Ang bawat pangangaso ng lahi ay nagkakahalaga ng 1 gintong kusing. |
| Sarado |
|
| Paghahanap ng tao |
Sa panunugis ng tao, maaari kang makapangalap ng ginto at puntos sa karanasan. Sa bawat litro ng dugo o kg ng karne, makakakuha ka ng isang gintong kusing. Kung ikaw ay sinuswerte, maaari kang makatagpo ng Batong Impyerno sa panunugis ng tao.
Ang bawat pagtugis ng tao ay nagkakahalaga ng 10 gintong kusing.
Mas marami kang matatamasang ginto at mga kalakal kapag mas matagal ang oras na iyong gugugulin dito.
Ang mga maiikli at madalas na pangangaso ay maaaring maging lubos na matagumpay, ngunit kung ikaw ay mangangaso lamang sa loob ng 10 minuto, maaari kang makatama ng lantern. Sa pagkakataong ito, hindi ka makakakuha ng anumang booty o ginto. |
| Sarado |
|
| Paghahanap ng Demonyo |
tingnan ang Grotto
Mayroon kang 2 oras (4 na oras bilang Shadow Lord) na nalalabi sa pangangaso. Kailangan mong gastusin ang natitira mong oras bago maghatinggabi dahil makalipas nito, magsisimula na ang bagong oras at ang iyong hindi pa nagagamit na oras ng pangangaso ay magwawakas na.
Maaari mong makita ang iyong mga resulta ng pangangaso at mga ulat ng paglalaban sa mga mensahe na iyong matatanggap pagkatapos ng bawat pangangaso o paglalaban. |
| Sarado |
|
| Mga Mensahe |
| Maaari mong makita dito ang mga resulta ng pangangaso, ulat ng paglalaban at mga personal na mensahe galing sa ibang manlalaro. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong mensahe. |
| Sarado |
|
| Listahan ng mga Kaibigan |
Sa Listahan ng mga Kaibigan, makikita mo ang pangalan, angkan, antas at ang estado ng iyong mga kaibigan. Sa pamamagitan nito, madali ang pakikipag-alam mo sa iyong mga kaibigan at maaari mo silang paalhan ng mensahe nang hindi tumitingin sa kanilang datos. Sa ilalim ng Hiling, makikita mo ang mga manlalaro na gustong magpadagdag sa iyong Listahan ng mga Kaibigan. Sa ilalim ng Sariling Hiling, makikita mo ang manlalaro na gusto mong idagdag sa iyong talaan.
Maaari kang magbura ng kaibigan sa iyong talaan kahit kailan. |
| Sarado |
|
| Talaan |
| Maaari mong i-save at makuha ang mga personal na tala. (halimbawa: mga pangalan, resulta ng pangangaso, etc.) |
| Sarado |
|
| Settings |
Email address:
Pakilagay dito ang iyong balidong e-mail address dahil ikaw ay papadalhan ng e-mail dito na may kasamang link para ma-activate mo ang iyon account. Paki-clik ang link o kopyahin ito sa iyong browser sa loob ng 3 araw para ma-validate ang iyong BiteFight account.
Kung gusto mong baguhin ang iyong e-mail address, humiling ka ng panibagong link para ma-activate ang iyong account dahil ito ang magiging permanente mong address 7 araw makalipas ang pag-activate mo ng iyong bagong e-mail address.
Kung nakalimutan mo ang iyong password, ito ay ipapadala sa iyong permanenteng address.
Paglalarawan ng iyong karakter:
Maaari mong ilarawan ang iyong karakter at ipakilala ang sarili sa ibang mga manlalaro. Ito ay hindi sapilitan.
Pamantayang mensahe sa iyong mga biktima::
Maaari kang maglagay dito ng mensahe na makikita ng mga taong nag-click ng iyong Bite Link.
Optional na impormasyon:
Maaari kang maglagay dito ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa iyo.
Imahe ng karakter:
Kapag nilagyan mo ng tsek ang kahon, lalabas dito ang imahe ng iyong karakter sa halip na logo ng iyong lahi. Makakatanggap ka ng random na imahe ng iyong karakter. Bilang Shadow-Lord, maaari kang gumawa ng sariling indibidwal na imahe.
Magtago sa ilalim ng lupa:
Kung ikaw nasa bakasyon o di kaya`y maraming ginagawa at hindi makapaglaro, maaari kang magtago sa ilalim ng lupa kung saan hindi mo kailangang mag-alala sa iyong karakter. Habang ikaw ay nagtatago sa ilalim ng lupa, hindi ka maaaring lusubin (sa minimum na 2 araw hanggang 30 araw). Kapag nilagyan mo ng tsek ang kahon, ikaw ay magtatago sa ilalim ng lupa sa minimum na 2 araw. Sa loob ng dalawang araw na ito, hindi ka maaaring maglaro o magpakita. Kapag ikaw ay nagpakitang muli, kailangan mong maghintay ng minimum na 7 araw bago ka muling makapagtago sa ilalim ng lupa. Kapag lumagpas na ang 30 na araw, ikaw ay kusang magpapakitang muli.
Burahin ang account:
Kung ayaw mo nang maglaro ng Bitefight, maaari kang magpasya na burahin ang iyong account. Mabubura ang iyong account makalipas ang 7 araw. Kapag nagbago ang isip mo sa loob ng 7 araw at ninais na ipagpatuloy ang paglalaro, maaari mong i-kansel ang pagbura dito.
Tingnan ang BiteFight Forum para makakuha ng mga karagdagang impormasyon. Sa forum, maaari kang magtanong at makasalimuha ng ibang mga manlalaro. |
| Sarado |
|